Monday, July 9, 2012

"Pagkain ng Gulay Ugaliin,Araw- Araw Ihain"


Ang batang malusog,
Sa tamang pagkain nabubusog,
Sapat na nutrisyon kinakain,
Upang malusog na buhay, iyong aanhin.

Pagkain ng gulay, dapat ugaliin,
Wastong nutrisyon, dapat intindihin,
Buhay nati’y alagaan,
Sapagkat tayo, ang pag-aasa ng bayan.

Mga saktong gulay,
Dapat nasa bahay,
Araw-araw itong ihain,
‘Wag kalimutang kainin.

‘Vitamin A’ na pampalinaw ng mga mata,
Dapat kainin ng mga bata,
Nang paningin ay luminaw,
At ng bumuti pa, ang iyong pananaw.

Kumain ng kamatis,
Nang kuminis ang kutis,
Ang gulay ay ‘di lamang pampabusog,
Ito rin ay pampalusog.

O gulay! Ako sayo’y saludo,
Dahil sa’yo, gumanda ang buhay ko,
Ako’y hindi lamang busog,
Kundi rin malusog,

Umiwas sa sakit,
Nang buhay ay maging kaakit-akit,
Dahil sa gulay,
Makulay ang buhay.

No comments:

Post a Comment